• Paglilipat・Pag-transferPagpapatala ng tirahan

Tinanggal ang Alien Registration Act noong Hulyo 7, 2012, at sinimulan ang Sistema na Resident Registration para sa mga dayuhang naninirahan sa Japan.


Tunghayan ang mga detalye

  • Ang mga dayuhan na maaaring itala sa residence certificate ay ang mga special permanetnt residents, ang mga mid-to-long-term residents at ang mga naninirahan sa Japan ng mahigit sa 3 buwan at maaaring magkaroon ng Residence Card.
  • Sa Prinsipyo, ang proseso ay dapat isagawa ng may katawan sa tanggapan ng Citizen’s Division ng Branch Office o Ward Office na sumasakop sa tinitirahan, kung ang may tawan ay hindi makakapunta o kaya ay nasa edad na mas mababa sa 16 na taong gulang, kinakailangang samahan ng kapamilya na higit sa 16 na taon ang edad at siya ang mag-proseso bilang kapalit. Mangyaring siguraduhin na dalahin ang Special Permanent Resident Certificate o ang Residence Card kapag magpo-proseso.

※ Kung ang abiso ay naantala, kinakailangang magsulat ng salaysay ng dahilan at ito at ipadadala sa Brief Court. Tatawagan ka ng korte upang tanungin, at may pagkakataon na ikaw ay pagbayarin ng hanggang 50,000 yen.

Bagong dating sa Japan

Panahon ng pag-sumite ng notipikasyon

Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng pagpasok sa Japan at matukoy ang address

Lugar kung saan isusumite ang notipikasyon

Sa Ward Office o Citizen’s Division ng Branch Office na sumasakop sa titirahan

Mga bagay na kailangan

  • “Pasaporte” ng lahat ng lilipat ng tirahan sa siyudad
  • “Resident Card (hindi kailangan kung hindi nabigyaan sa airport, atbp)” o kaya ay “Special Permanent Resident Certificate” ng mga lilipat ng tirahan sa Kobe City
  • ③ Kung pumunta sa Japan o magpaparehistro bilang isang residente bilang isang residente kung saan nakatira ang pamilya, kakailanganin ng sertipiko na inilabas ng ahensyang pampubliko sa sariling bansa na siyang nagpapatunay ng iyong relasyon sa pamilya (relasyon), (Family Matters Certificate, Marriage Certificate, Birth Certificate)
    na nakasalin sa nihongo at may pangalan at lagda ng nagsalin ng wika.

Form sa pag-sumite ng notipikasyon


Resident Transfer(1.85 MB)

Paglipat ng tirahan mula sa labas ng Kobe City

Ito ay notipikasyon ng paglipat ng tirahan sa Kobe City mula sa labas ng Kobe. Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat ng tirahan ang panahon ng pag-sumite.

Panahon ng pag-sumite ng notipikasyon

Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat ng tirahan ( hindi ang araw ng notipikasyon ng paglipat sa munisipalidad ng lumang tirahan)

Lugar kung saan isusumite ang notipikasyon

Sa Ward Office o Citizen’s Division ng Branch Office na sumasakop sa tinitirahan

Mga bagay na kailangan

  • Abiso ng paglabas ng siyudad (Mag-ulat sa munisipyo ng dating tirahan at humingi nito).
  • “Resident Card” o kaya ay “Special Permanent Resident Certificate” ng mga lilipat ng tirahan sa Kobe City
  • My Number Notification Card o Personal Number Card

Form sa pag-sumite ng notipikasyon


Resident Transfer(1.77 MB)

Paglipat ng tirahan sa labas ng Kobe City

Ito ay notipikasyon kung lalabas ng Kobe City. Kapag nag-sumite ng notipikasyon, magbibigay ang Ward Office ng Transfer Certificate, kung kaya’t mangyaring ipagbiga-alam sa municipal office ang bagong address ng tirahan sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat.

Kung nagpaplanong manirahan ng mahigit sa 1 taon sa ibang bansa, kahit na ikaw ay may re-entry ay kinakailangan pa ring mag-sumite ng transfer notification.
Kung ang household ay lilipat ng tirahan, at ipagpapatuloy ang pagtira sa pagpili ng bagong household mula sa pamilya ay kinakailangang mag-sumite ng Change of Household.

Panahon ng pag-sumite ng notipikasyon

Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng planong paglipat ng tirahan. Maaari ding mag-sumite ng notipikasyon pagkalipat. Mag-sumite ng notipikasyon sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat (maaaring ipadala sa pamamagitan ng koreo).

Lugar kung saan isusumite ang notipikasyon

Sa Ward Office o Citizen’s Division ng Branch Office na sumasakop sa tinitirahan (mga bagay na kailangan) ng mga masu-sumite ng notipikasyon

  • “Resident Card” , “Special Permanent Resident Certificate” , “Driver’s License” at mga bagay na maaaring mapagka-kilanlan.
  • Kung ikaw ay mayroong National Health Insurance o Medical Insurance para sa mga matatanda.
  • My Number Notification Card o Personal Number Card

Form sa pag-sumite ng notipikasyon


Resident Transfer(1.00 MB)

Paglipat ng tirahan mula sa ward ng Kobe City sa ibang ward sa loob ng Kobe City

Ito ay notipikasyon kung lilipat ng tirahan mula sa A-ku ng Kobe City sa B-ku sa loob ng Kobe City (hal:lilipat sa Chuo-ku mula sa Suma-ku).
Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat sa B-ward office ng bagong tirahan (hal: kung lumipat sa Chuo-ku mula sa Suma-ku, sa Chuo Ward Office) kinakailangang mag-sumite ng notipikasyon.

Panahon ng pag-sumite ng notipikasyon

Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng paglipat ng tirahan.

Lugar kung saan isusumite ang notipikasyon

Sa Ward Office o Citizen’s Division ng Branch Office na sumasakop sa bagong tinitirahan

Mga bagay na kailangan

  • “Resident Card” o kaya ay “Special Permanent Resident Certificate” ng mga lilipat ng tirahan sa Kobe City
  • Kung ikaw ay mayroong National Health Insurance o Medical Insurance para sa mga matatanda
  • My Number Notification Card o Personal Number Card.

Form sa pag-sumite ng notipikasyon


Resident Transfer(1.44 MB)

Kung lilipat ng tirahan sa parehong ward

Panahon ng pag-sumite ng notipikasyon

Sa loob ng 14 na araw mula sa petsa ng planong paglipat ng tirahan.

Lugar kung saan isusumite ang notipikasyon

Sa Ward Office o Citizen’s Division ng Branch Office na sumasakop sa tinitirahan

Mga bagay na kailangan

  • “Resident Card” o kaya ay “Special Permanent Resident Certificate” ng lahat ng lilipat ng tirahan
  • My Number Notification Card o Personal Number Card.

Form sa pag-sumite ng notipikasyon


Resident Transfer(1.44 MB)

Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Disyembre, 2012.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.