KwalipikasyonKwalipikasyon sa Nihongo
Kwalipikasyon sa Nihongo
Japanese Language Proficiency Test JLPT |
Ang bilang ng mga taong natututo ng Nihongo sa maraming bahagi ng mundo ay mabilis ang paglaki. Sa katunayan ay dumadami ang mga pagkakataon na magamit ang Nihongo ng mga nag-aaral ng Nihongo sa ibang bansa. Kasabay nito, nagkakaroon ng lumalagong paghiling ng mga nag-aaral ng Nihongo na masukat ang kanilang napag-aralan at mapatunayan. Bilang tugon sa mga kahilingan na ito, ang “JLPT” ay sinimulan noong 1984. |
|
---|---|---|
Practical Japanese Test J.TEST |
Ang J.TEST Practical Japanese Test ay ipinatupad mula pa noong 1991 na naglalayong mabigyan ng pagsubok ang kakayahan sa Nihongo ng mga dayuhan.Humigit-kumulang na 70,000 empleyado ang kumukuha ng pagsusulit bawat taon, kasama ang mga manggagawa sa tanggapan, mga international students, at mga mag-aaral ng Nihongo. Ang pagsusulit ay isinasagawa ng 6 na beses sa loob ng isang taon. WEB |
|
ALC Japanese Conversation Test JSST |
Ang JSST ay isang madaling pagsusulit sa pakikipag-usap ng Nihongo sa pamamagitan ng telepono. Dahil sa madaling masukat ang kakayahan sa pakikipag-usap ng Nihongo, ginagamit ito ng mga nag-aaral ng Nihongo at maraming kumpanya. Ang JSST ay isang pagsubok na sumusukat sa kasanayan sa Nihongo,Hindi katulad ng pagsusulit sa papel na humihingi ng kaalaman sa Nihongo, tulad ng mga kataga, gramatika, at pagbigkas, “sa oras at sa lugar ding iyon”, at sinusukat ang kakayahang lumikha ng mga kwento. Ang pagsasalita ay “pag-iisip” at “pagpapasya” sa sarili. Ang mga mag-aaral ay hinihiling na lumikha at mag-isip at ipahayag ang kasagutan gamit ang Nihongo, at dahil dito, masusuri ang antas ng kakayahan sa Nihongo na kinakailangan sa mga sitwasyon sa negosyo. |
|
The Examination for Japanese Admission for International Students EJU |
Ang Examination for Japanese University Admission ay isang pagsubok na isinasagawa upang masuri ang kasanayan sa Nihongo at pangunahing pang-iskolar na kinakailangan ng mga unibersidad ng Japan para sa mga nais pumasok ng unibersidad ng Japan (department of university) bilang international student. WEB |
|
Business Japanese Proficiency Test BJT |
Ang BJT Business Japanese Proficiency Test ay isang pagsubok na sumusukat sa kasanayan sa komunikasyon sa negosyo sa Nihongo sa oras ng pagsusulit. Ang mga resulta ay nakapuntos mula 0 hanggang800 na puntos sa pamamagitan ng statistical processing batay sa IRT (Item Response Theory) na may anim na antas J1 hanggang J5. Ang binigyang halaga ay ang ganap na kakayahan ng kumukuha ng pagsusulit ay maaaring masukat, at ang magiging pagbabago sa kakayahan ay maaaring makamtan. |
Nababatay sa data na maaaring kumpirmahin hanggang Hunyo, 2015.
Maging maingat sa maaaring pagkakaroon ng panibagong sistema, at mga pag-iiba ng mga sistema.
Ang homepage-link ay responsibilidad ng lumikha, walang anumang responsibilidad ang Kobe City sa mga nilalaman nito.