Suporta sa pag-aaral ng Nihongo 【Enero, 2027】 *Ipagpapaliban ang pagtanggap ng mga aplikasyon.

    Magsasagawa kami ng pagsusuri sa seguridad upang mapanatiling ligtas ang sistema.

    Dahil dito, ipagpapaliban ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa programa ng pag-aaral na nakatakda sanang gawin mula Oktubre 28 hanggang Oktubre 30.

    Magsisimula ang pagtanggap ng mga aplikasyon kapag natapos na ang pagsusuri sa seguridad.

    Ipapaalam namin kung kailan magsisimula ang pagtanggap ng mga aplikasyon sa pamamagitan ng aming website, Instagram, Facebook, at LINE.

    Humihingi kami ng paumanhin sa abalang maidudulot nito sa lahat. Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.

    Magbabago ang iskedyul na nakasulat sa ibaba.

    Hindi pa napagpapasyahan ang bagong iskedyul.

    Ipapaalam namin muli sa inyo kapag napagpasyahan na ang bagong iskedyul.

    Ang aplikasyon para sa man-to-man na leksyon na magsisimula ng Hulyo ay sa pamamagitan ng homepage ng KICC.

     

    ※ Hindi maaaring pagsabayin ang “man-to-man lesson” at “ang pag-aaral para sa klase sa unang baiting”.

     

    ※ Ang bawat tao ay maaaring mag-aplay nang isang beses lamang (ang mga aplikasyon pagkatapos ng pangalawang pagkakataon ay walang bisa)

     

    ※ Sa mga regular na araw lamang magmula Nobyembre 16, (Lunes) - 20(Biyernes)maaaring mag-aplay para sa makalahok sa face-to-face interview na gaganapin sa KICC Shin-Nagata (10:00 - 12:00, 13:00 - 17:00).

     

    ※ Ang interview ay sa Nihongo. Ang may kakulangan sa kaalaman sa Nihongo sa panahon ng interview ay hindi maaaring makapag-aplay ng man-to-man lesson.

    Ang daloy simula sa aplikasyon hanggang sa pagsisimula ng klase

     

    Oktubre 28, (Miyerkules) 10:00am ~ Oktubre 30, (Biyernes) 5:00pm

    Mag-apply sa website ng KICC

    ↓

    Ang mga mag-aaral ay pipiliin sa pamamagitan ng lottery

    ↓

    Makikipag-ugnayan ang KICC sa mga mapipili.

    ↓

    Nobyembre 16 (Lunes) ~ Nobyembre 20 (Biyernes)(Regular na araw lamang, 10:00 - 12:00, 13:00 - 17:00)

    Interview

    ↓

    Simula Enero

    Oras ng simula ng klase

    Mga oras ng pag-aaral

    〔Shin-Nagata〕
    Lunes:   10:00 / 12:00 / 14:00 / 16:00 
    Martes:  ------ / 12:00 / 14:00 
    Biyernes:  10:00 / 12:00 / 14:00 / 16:00 

     

    〔Sannomiya〕
    Martes:   10:00 / 12:00 / 14:00 / 16:00 / 18:00
    Huwebes:  10:00 / 12:00 / 14:00 / 16:00 / 18:00
    Sabado:    10:00 / 12:00 / 14:00 / 16:00 

     

    Pakikipag-ugnayan

     

    KICC Shin-nagata TEL:078-742-8705

    Oras ng pagtanggap ng

    tawag sa telepno

    Ordinaryong araw  9:00-12:00、13:00-17:00 

    Maliban sa mga araw ng Sabado, Linggo, Pistang Opisyal, Bagong Taon